Respectfully Yours

Chapter 57



Chapter 57

Anikka

Just gonna stand there and watch me burn

But that's alright because I like the way it hurts,

Just gonna stand there and hear me cry

But that's alright because I love the way you lie

I love the way you lie

Agad kong pinatay yung radio. Tingin ko kasi parang ako yung nasa ksnta

Nais ko muna siya mawala sa isipan ko pero bakit hanggang saan ako mapunta siya naiisip ko. Kahit

sa pagpikit ko ng aking mga mata, siya ang nakikita. Ano bang balak niyang gawin sa akin? Patayin

ako sa sakit? Hindi ba sapat na niloko na niya ako? Kailangan ko pa danasin ang sakit ng paulit-ulit .

Hindi pa pwede na isang araw lang itong sakit na ito?

Hindi na ako masyadong conscious kung saan ako dinadala ng sasakyan ko,gusto ko lang naman na

kumawala sa pag-iisip sa kanya, sa pag-iyak sa kanya. Sa sobra ko yatang kakaisip

Nakakainis! Inis na inis ako sa sarili ko, dahil kahit niloko niya ako ay mahal na mahal ko pa rin yung

hinayupak na iyon.

Huminto na lamang yung sasakyan ko sa Starbucks. Naisipan ko na makigala kila Nicole. Mahirap kasi

na mag-isa, wala akong magawa, naiisip ko siya lalo.

Mas maganda na, gugulin ko yung ilang oras ko sa iba, sa mga kaibigan ko. Mas worth it pa, kaysa

mag-aksaya lang ako ng luha sa pag-iyak ko sa kanya, sa pagmumukmok. Baka sakali na malimutan

ko siya.

Gustong gusto ko siyang makalimutan agad. I want to consider him as a nightmare, dahil hindi naman

totoo ang lahat ng pinapakita niya sa akin

Gusto kong mawala na siya sa isipan ko, I want to bring my normal life back, yung wala siya. Kahit na

manang ako, walang nananakit sa akin, walang nanloloko.

Pagpasok ko ay agad akong sinalubong nila Nicole, nakatitig lamang siya sa akin

"Girl anong nangyari sayo? Lumaki yang eyebags mo, tapos ang tamlay tamlay mo pa." Alalang-

alalang tanong nila.

"Kulang lang ako sa tulog." Tanging sagot ko na lang, ayokong malaman nila na sinaktan niya ako, na

ganito ako kamiserable. Mag-aalala lang sila, gusto kong maging masaya ang gabing ito. Ayoko na ng

puro lungkot at iyak. Nakakapagod.

"Hay nako girl alalang-alala na kami sayo, mabuti at lumabas ka."

"Nakakasawa na kasi sa kwarto ko." Pero sa totoo lang ayoko na doon, maalala ko lang ang

walanghiyang iyon.

Binigay na sa amin ang isang bote na alak, agad ko itong kinuha. Ito ang dahilan kung bakit ako

nandito. Gusto kong makalimot. Gusto ko siyang kalimutan..Gusto kong kalimutan ang mga

kawalanghiyaan nila sa akin.

"Hinay hinay lang girl! Di tayo mauubusan ng alak." Hindi ko na lang sila pinansin at nilagok ang huli

konh shot ng alak. Ramdam na ramdam ko ang pait ng lasa na gumuguhit sa aking lalamunan. Walang

kasing pait yung ginawa niya sa akin. Wala akong pakialam dito, hindi ko inaalintana. Gusto ko lang

naman siya kalimutan e, kahit saglit lang. Ang sakit sakit na e.

"Anikka, please stop!" Ani nila sabay agaw nila sa akin ng bagong bukas na alak.

"Anikka you're wasted. Ano ba talaga ang nangyayari sayo?!" Hindi ko sila pinansin, pilit kong iniaabot

yung bote, pero patuloy nila pa rin itong nilalayo. Please, I need to forget this pain.

"Anikka stop!" Napatigil ako ng makaramdam ako ng sampal mula kay Yen. Hindi niyo kasi ako

naiintindihan, paano nga ba nila ako maiintindihan kung di ko sasabihin.

Tumayo ako at dali dali akong umalis palayo sa kanila. Ayokong makita nila ako na ganito kahina dahil

sa lalaking iyon, na nasasaktan ako dahil sa kanya.

Agad akong pumasok sa loob ng restroom at doon ibinuhos lahat. Yung kanina ko pang pagpigil na

nga luha, bigla na lang nagsituluan na parang ulan.

Bakit kailangan kong danasin lahat ng sakit. Saan ba ako nagkulang sa kanya? Binigay ko lahat, pati

na rin ang sarili ko. Bakit niya nagawa sa akin ito? Hindi ba talaga ako sapat para sa kanya.

"Sige iyak lang Anikka."

Kahit nanlalabo ang aking mga mata sa luha, nakikilala ko pa rin ang taong nasa harapan ko. Ang

traydor na iyon. Agad akong tumayo at sasampalin ang pagmumukha niya. Pareho silang dalawa, mga

manloloko. Pinakitaan mo sila ng mabuti, pero ano ang ginanti? Niloko nila ako, sinaktan. Mga hayop

sila! Sisirain ko talaga mukha nito e. Para sa tuwing nakikita ko siya naalala ko lang ang

kawalanghayaan na ginawa nila sa akin.

"Sasampalin mo ko? Sige gawin mo. Kahit sampalin mo pa ako hindi mo rin mababago ang

katotohanan na ako ang mahal ni Lukas." Napatigil ako, at tila may kumirot sa aking dibdib. Ang sakit

sakit na naman. Mas masakit pa yata ito, para akong dinurog sa sinabi niya. Na siya ang mahal ni

Lukas at hindi ako. Mas ipinamukha pa niya sa akin ang panloloko nila.

Tila nanghina ako, lalo pa na maalala ko ang lahat ng pinagsaluhan namin, binigay ko ang lahat sa

kanya, pero ito ang ganti, naging isa talaga ako sa mga babaeng niloko niya.

"Ano pa ba ang gusto mo Eris." Tangi kong sagot, hindi pa ba sapat na pinakawalan ko na si Lukas.

Kanyang kanya na ang hayop na iyon. Hindi ko na siya kakailanganin pa. Hindi ko kailangan ng

manloloko.

"Yung maagaw sayo si Lukas, akala ko nga mahihirapan ako na agawin ko siya sayo. Hindi rin niya

ako nagawang tiisin." Nakatitig lang ako sa kanya habang siya ay nakangisi. Gusto ko siyang saktan,

gusto ko siyang gantihan. Mas lalo akong nanghihina dulot na rin ng sobrang pagluha.

Nakakuyom lamang ang aking nga kamao.

"We made love on that night. Binigay niya sa akin lahat. He fucked m---" Agad kong tinakpan ang aking

mga tainga.Sinikap ko na walang marinig mula sa kanya, pero mas nilalakasan pa niya ang boses

niya.

"He's always saying how much he loves me. Kay sarap pakinggan. Sinasabi rin niya ba sayo iyon?"

Ayokong pakinggan ang anuman na salita mula sa kanya. Sinabi rin niya ang mga iyon sa akin.

Gusto kong paniwalaan ang sarili ko na hindi totoo ang lahat ng sinsabi niya. Pero hindi, kailangan

gumising ako. Gumising na iyon ang katotohanan, na niloko lamang nila ako.

Ang sakit sakit na naman ng dibdib ko nakalimutan na nga kita e. Babalik na naman ba ang ginawa nila

sa akin.

"Ok! Ok! Magsama na kayong dalawa saksak mo pa siya sa baga mo."

Dali dali akong umalis, ayoko makita ang pagmumukha niya. Namumuhi ako lalo, mas naalala ko ang

mga ginawa sa akin. Hindi ko na kakayanin ang susunod na mangyayari kung magtatagal pa ako

doon. Magiging mas masakit iyon para sa akin.

Lalo pa at pinapamukha niya talaga sa akin lahat. Hindi ba sapat na durog na durog na ako, kailangan noveldrama

pa bang pinuhin.

Gusto kong makalimot kaya ako nagpunta dito, pero hindi rin pala ako makakalimot. Mas naging

sariwa pa ang mga sugat na dulot ng ipakto na iyon sa akin. Mas naging masakit.

Bakit ba ganito? Nakakainis naman e.

Ayoko na! Gusto ko ng mawala sa isipan ko lahat ng nangyari, ayoko na ng ganito. Mababaliw na ako

sa ganito, na lagi na lang sakit ang dadanasin ko.

Sinusubukan ko na pigilan ang aking mga luha pero hindi ko magawa, tila gusto pa nilang tumulo.

Ayoko na makita ako na ganito nila Nicole, mag-aalala sila sa akin.

"Anikka! Ano naman ang nangyari sayo." Nakita ko ang alalang-alalang mukha nila Nicole at Yen. Kahit

gusto kong itago yung luhuan kong mukha, hindi ko rin magawa. Ayaw din naman huminto ang letseng

luha na ito.

"Saan ba ako nagkulang? Ano ba ang nagawa ko sa kanila." Agad napadabog si Nicole sa lamesa at

naging seryoso.

"Sinasabi ko na nga ba e! May gagawin talagang di mabuti ang Eris na iyon." Binigyan niya ako ng

isang matapang na tingin at hinawakan sa braso na para bang nagbibigay siya ng suporta para sa

akin.

"Girl, you should fight! Matapang ka diba?"

Yeah, I'm brave. But I'm not that brave enough to be tough, you'll be weaken. Hinang hina na ako

ngayon, di ko alam kung saan ako kukuha ng lakas. Yung taong pinag-alayan ko ng lahat ang siya

pang wawasak sa akin. Dinurog niya ako.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.